Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na tuluy-tuloy ang Christmas bonanza sa lungsod dahil ang bawat empleyado ng city hall ay tatanggap umano ng special recognition incentive (SRI).

Isinagawa ni Lacuna ang anunsiyo nang pamunuan niya ang pamamahagi ng mga bigas sa may 1,300 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), kasama sina Vice Mayor Yul Servo at MTPB adviser Dennis Viaje.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Lacuna, ang SRI ay ipagkakaloob sa unang bahagi ng susunod na taon, sa lahat ng empleyado, kabilang ang mga job order (JO) employees.

Pinasalamatan din ng alkalde si City Treasurer Jasmin Talegon at Servo, na siya aniyang nagtrabaho para sa mabilis na pagpapasa ng ordinansa na nagbigay-daan sa paglalabas ng nasabing benepisyo.

Anang alkalde, "Di man umabot ng Pasko dahil matagal ang proseso niyan, pwede nang gawin ang mga kinakailangang dokumento para matanggap ninyo.  Pati mga job orders makakatanggap, sa tulong ng local finance committee at masinop nating pangangasiwa ng pondo ng ating lungsod. Maraming salamat, Mam Jasmin Talegon."

Pinuri rin ng alkalde ang empleyado ng lungsod sa isa na namang taon nang taos-puso at tapat na paglilingkod sa mga mamamayan.

Ayon kay Talegon, sakop ng SRI ang 9,000 regular employees at nasa 10,000  JOs, maging ang mga nasa ilalim ng contract of services (COs).

Kasabay nito, pinuri rin ni Lacuna ang mga tauhan ng MPTB dahil sa pagkakaloob ng selfless service upang mapanatili ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa lungsod, at tulungan yaong nasasangkot sa mga aksidente sa lansangan.

Sinabi naman ni Viaje na ang mga rice bags ay ipinagkaloob sa bawat MTPB personnel bilang token of appreciation ng lungsod sa kanila.