Muling bumisita si Megastar Sharon Cuneta sa noontime show ng TVJ na "E.A.T." sa TV5 para i-promote ang pelikulang "Family of Two" na pinagbibidahan nila ni Kapuso star Alden Richards, nitong Sabado, Disyembre 16.

Ito na ang pangalawang pagkakataong dumalaw si Shawie sa E.A.T. simula nang lumipat sila sa TV5. Siya ang nagsilbing mega guest nila para sa unang sultada ng show sa bago nitong tahanan.

MAKI-BALITA: Sharon may update sa health condition: ‘Kaya pala wala akong boses sa E.A.T.’

Ang nag-estima sa kaniya ay si Vic Sotto, Maine Mendoza, at Miles Ocampo, na bahagi rin ng pelikula.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tanong ni Vic, bakit hindi raw niya isinama sa kanila si Richard (totoong pangalan ni Alden)?

Sey ni Shawie, gusto nga raw sumama sa kaniya ni Alden sa E.A.T. subalit baka hindi raw ito pinayagan ng management ng network.

Isa sa bankable contract artist ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center si Alden, kaya nang lumipat ang TVJ at buong Dabarkads hosts sa TV5 ay hindi siya nakasama.

Kamakailan lamang ay nag-guest sina Mega at Alden sa katapat na programang "It's Showtime" para mag-promote ng movie, na isa sa mga opisyal na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

MAKI-BALITA: ‘Wala na network wars!’ Alden aminadong nanonood din ng It’s Showtime

Matatandaang si Alden ay naging host ng "Eat Bulaga" noong nasa GMA pa ito at nasa ilalim pa ng TAPE, Inc.

Noong 2015, sumikat nang husto at naging phenomenal ang "aksidenteng" tambalan nina Alden at Maine Mendoza, o "AlDub."

Giit naman ng mga netizen sa TikTok, akala raw ba ay tapos na ang "network war?"

"Sana pinayagan na lang ng GMA."

"Exclusive kasi si Alden sa GMA kaya hindi siya pwede mag-guest sa kahit anong shows sa TV% or ABS-CBN. Nagkataon lang na nasa GTV na 'yong Showtime kaya nakapag-promote sila doon."

"Malamang exclusive talent ng 7 si Alden at di basta-basta pwedeng umapir sa ibang network dahil nakakontrata."

"Ano ba naman 'yan, hindi man lang pinayagan ng GMA si Alden. Nakalimutan yata nila na Eat Bulaga bumuhay sa naghihingalong network nila noon via AlDub. Nakakamiss makita si Alden with the original Dabarkads."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Alden o ng Kapuso management tungkol dito.