Ibinalita ng aktres na si Ellen Adarna, misis ni Derek Ramsay, na nakatanggap siya ng notifications mula sa kaniyang bangko na umano'y may nagtatangkang mang-hack at gumamit ng kaniyang premium credit card.
Mabuti na lamang at declined ang transactions ng hacker/scammer kaya hindi nalagasan ng kahit anong amount ng pera si Ellen.
"Retrograde in full force," anang Ellen sa text caption ng screenshot ng notifs na natanggap niya mula sa bangko.
"Sana all hacker/scammer nakapag-shopping na ako wala pa."
May hashtag itong "#hassleka."
Kaya naman, babala ito sa lahat na doble-ingat lalo na't holiday season na; mas doble-kayod din ang mga kawatan at mapagsamantala.
Ano ang gagawin kapag nakatanggap ng notifications na may nangha-hack o nagtatangkang gumamit ng iyong debit o credit card?
Kung mayroong nanghack o gumagamit ng iyong credit card nang walang pahintulot sa iyo, narito ang ilang hakbang na maaari mong gawin:
- Tumawag sa Bangko o Credit Card Company. Agad na tawagan ang iyong bangko o credit card company para ipaalam sa kanila ang sitwasyon. Ang kanilang mga customer service representatives (CSR) ay may mga protocol para sa mga insidenteng ito at maaaring agad kang matulungan sa pagprotekta sa iyong account.
- Ipasubmit ang dispute/record ng unauthorized transactions. Maaaring hilingin sa iyong bangko o credit card company na ipasubmit ang isang dispute sa mga unauthorized transactions. Karaniwan, may proseso para dito, at maaari kang magkaroon ng temporary credit card habang iniimbestigahan ang kaso.
- Baguhin ang Password. Maaaring baguhin ang password ng iyong online banking at credit card account. Ito ay para maprotektahan ang iyong personal na impormasyon at maiwasan ang posibleng karagdagang pagsasamantala mula sa mga hackers.
- I-report sa Law Enforcement. Kung ang pangyayari ay malubha at may ebidensiyang kriminal na gawain, maaari mong i-report ito sa lokal na pulisya o sa cybercrime unit ng iyong bansa.
- I-monitor ang Credit Report. Regular na i-monitor ang iyong credit report upang siguruhing walang iba pang unauthorized na transaksyon.
- Mag-ingat sa Phishing. Huwag basta-basta magbibigay ng personal na impormasyon sa mga hindi kilalang e-mail o tawag, o kaya ay mag-click ng mga ipinapadalang link sa social media platforms. Maaaring ito ay isang paraan ng phishing, kung saan ang mga scammer ay nagpapanggap na sila ay taga-bangko o credit card company upang kunin ang iyong impormasyon.
- I-update ang Security Features. Kung maaari, i-update ang security features ng iyong credit card o bank account. Halimbawa, puwede mong baguhin ang PIN, i-activate ang two-factor authentication, o baguhin ang mga security settings sa iyong online account.
- Iwasang i-post sa social media ang larawan ng debit/credit cards at bank details. Huwag nang i-post sa social media platforms ang iyong ATM at credit cards, o kung hindi maiiwasan, makabubuting takpan ang mahahalagang numero at detalye rito.