Hindi umano namumulitika si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Margarita "Migs" Nograles, ang mambabatas na nagsusulong na mahinto ang operasyon at pag-ere ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa mga isyung ipinupukol dito.

Ayon kay Nograles, hindi raw totoo ang mga kumakalat na tsikang kaya niya inaatake ang SMNI ay may ambisyon siyang tumakbo bilang mayor ng Davao City.

"Contrary to the 'chismis,' I will not run for mayor of Davao, and I have no intention of engaging in politicking," aniya.

"Walang away, so bakit kayo gumagawa ng away?"

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Wag magpabudol. Wag makinig sa chismis," aniya.

Si Rep. Nograles ang naghain ng House Resolution (HR) No.1499, na humihikayat ang National Telecommunications Commission (NTC) na ihinto ang operasyon ng SMNI.

Matatandaang sinita ng Kongreso ang programa sa SMNI kung saan hosts sina Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey "Ka Eric" Celiz, hinggil sa umano'y nagastos ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez sa pagta-travel.

Nagkaroon ng pagdinig ang House Committee on Legislative Franchises tungkol dito at na-detain pa ang dalawa, na nagsagawa naman ng hunger strike habang nasa nakadetine.

MAKI-BALITA: Badoy, Celiz nag-hunger strike kontra ‘pagpasok’ ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso

MAKI-BALITA: VP Sara, hanga sa ‘tapang’ at ‘tatag’ nina Celiz, Badoy