Usap-usapan ang pagkakabalita kay Kapamilya star Daniel Padilla matapos niyang tanggapin ang "Fabulous Award" sa naganap na Asia Artists Awards (AAA) na ginanap sa Philippine Arena kamakailan.

Ngunit sa halip na nakapokus ang headline at balita sa kaniyang award, nakasentro ito sa kritisismong natanggap ni Daniel mula sa mga Koreano matapos daw silang "i-mock" sa speech nito.

Ang headline ng balita mula sa koreaboo.com ay "Popular Filipino Actor Faces Criticism For 'Mocking Koreans' At A Korean Award Show."

Hindi umano nagustuhan ng mga Korean netizen ang "informal greeting" ni Daniel na "Annyeong" at bahagyang natawa pa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narito ang ilan sa mga komento at reaksiyon ng netizens:

"Why did that guy laugh after saying 'annyeong' that sounded so disrespectful."

"Imagine how dumb u must be to greet an informal 'annyeong' and then laugh afterwards in an awards show where the honored guests are primarily Koreans? I know he got multiple side yes."

"Those K-artists learning the proper way to say Filipino phrases yet him not giving the bare minimum on how to properly say formal greetings to the Koreans."

"TBH people these days would make an issue about everything! LOL. How sure are you that it's mocking? Laughing doesn't always equate to mocking, sometimes it's how you express nervousness/anxiety will all the eyes looking at you. Just say you hate him, but ok go on I guess?"

Pagtatanggol naman ng mga tagahanga ni Daniel, maaaring may kinalaman pa rin ang hate comments na ito sa hindi pa matapos-tapos na isyung hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo, na nakatanggap din ng Fabulous Award.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Daniel o ng ABS-CBN/Star Magic kaugnay sa isyu.