Nagbigay ng reaksiyon ang Miss International 1979 at former Supermodel na si Melanie Marquez sa opinyon ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz hinggil sa kanila ng anak niyang si Michelle Dee.

Matatandaan kasing ni-rate ni Gloria ang performance ni Melanie sa Miss International noong 1979 pati ang performance ng anak niyang si Michelle sa ginanap na Miss Universe 2023 sa El Salvador.

MAKI-BALITA: Gloria Diaz, ni-rate performance ni Michelle Dee sa Miss Universe

Kaya sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” noong Biyernes, Disyembre 15, hiningan ni Boy si Melanie ng komento hinggil dito.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

“Our very first Miss Universe Gloria Diaz was interviewed. Sabi niya, napunta doon sa usapan na binigyan ka niya ng rating, tama ba ako? ‘If I would rate Melanie and Michelle, I give Melanie a 10 and I give Michelle an 8’. Ano ang iyong comment?”

“I’m so flattered. Thank you so much, Miss Gloria Diaz. Well, for me, opinyon nila ‘yan. I have to respect everybody’s opinion,” pahayag ni Melanie.

“Pero opinyon ito ng [Miss Universe],” pasubali ni Boy.

“But I’m just so grateful. Ever since talaga gratitude ko kay Miss Gloria Diaz which I knew when in my time talagang pinaglaban niya ako,” pagpapatuloy ni Melanie.

“San ‘yun sa Binibini–”

“Sa Binibining Pilipinas,” pakli ni Melanie.

Dagdag na tanong ni Boy: “Paano ka niya ipinaglaban?”

“Ipinaglaban niya na kailangan mayroong korona ako in some way ‘cause she can see that I am actually the person who will carry and win a crown internationally,” sagot ng Miss International 1979.

Kuwento pa niya: “Kahit noong nakatayo kaming lahat, lakad siyang ganyan. Nag-stop siya in the middle kasi I’m the tallest. And said: ‘I want you to win’, sabi niya talaga. Tapos umalis na siya.” 

Dahil daw sa eksenang ‘yon, na-boost umano ang ego ni Melanie at lalong nagkaroon ng kompiyansa sa sarili.