BATANGAS - Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ang nasawi kasunod ng sagupaan ng magkabilang panig sa Balayan, nitong Linggo.

Inaalam pa ng militar ang pagkakakilanlan ng anim na rebelde na pawang kaanib ng SPP Kawing ng Southern Tagalog Regional Party Committee- Sub-Regional Military Area 4C (STRPC-SRMA4C).

Sa report ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army, nagpapatrolya ang mga tauhan ng PA-59th Infantry Battalion (IB), Philippine Navy, at Philippine Air Force nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Malalay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa pahayag naman ni 2nd ID public affairs division chief, Lt. Col. Hector Estolas, nasawi sa engkuwentro ang anim na rebelde.

Isang sundalo naman ang nasawi at tatlong kasamahan ang nasugatan.

Nagsasagawa pa rin ng hot pursuit operation ang tropa ng gobyerno laban sa mga tumakas na rebelde.