
(📸: RPDEU-Region 6 )
₱40.8M droga, huli sa Iloilo
Mahigit sa ₱40 milyong halaga ng illegal drugs ang nahuli sa isang pinaghihinalaang high-value individual sa anti-drug operation ng pulisya sa Janiuay, Iloilo nitong Linggo.
Sa pahayag ng team leader ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU)-Region 6 na si Capt. Glen Soliman, nakilala ang suspek na si alyas "Miklyn" at ito ay naaresto sa Sitio Siga2, Don T. Lutero East, dakong 7:33 ng umaga.
“When we effect(ed) the arrest, we recovered several sachets and big packs of suspected shabu containing more than six kilos with a standard drug price of PHP40.8 million,” ayon sa opisyal.
Gayunman, binanggit ni Soliman, nakatakas sa operasyon ang kasabwat ng suspek na si alyas "Koi-Koi."
Aniya, dati nang naaresto ang dalawang suspek limang buwan na ang nakararaan dahil sa kahalintulad na kaso.
Naaresto na rin aniya si "Koi-Koi" noong 2018 at nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining noong 2021.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
PNA