Hindi umano gagaya ang Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa mga mag-jowang celebrity na naghihiwalay sa kasalukuyan.

Sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Disyembre 15, itsinika ni “PhD Marites” Rose Garcia ang napag-usapan nila ni Barbie sa red carpet ng pelikulang “Firefly”.

“Tinanong siya sa gitna ng mga hiwalayang isyu ngayon, itong si Barbie nga at si Jak ay nanatiling matatag. Solid ‘di ba. Kahit na alam nating si Barbie ay pinapareha kay David [Licauco],” kuwento niya.

“Pero pinapakita talaga nila na ‘solid kami in real life’.  So, tinanong siya, ‘anong masasabi mo doon?’ Kumbaga, ‘kayo ba gaano kayo ka-secure?’ Tapos sinabi ni Barbie na hindi kami magagaya sa mga naghihiwalay,” dagdag pa ni Rose.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

“At ako naniniwala ako doon,” pagsang-ayon ng co-host niyang si “Ambetable Professor” Ambet Nabus.

Bukod pa rito, tila isang masayang Pasko ang sasalubong para kay Barbie. May pinagawa raw kasing bahay ang Kapuso star. At may chance umano na doon na sila magdidiwang ng kaniyang pamilya.

“Sobrang excited daw siyang madala na ‘yong kaniyang family doon sa kaniyang ipinatayong bahay. Sabi niya, iba raw talaga ‘yong feeling kasi dati, lupa lang ‘yon na binili niya. Pero ngayon siyempre ayan na. Parang mga finishing na lang,” saad pa ni Rose.

Tila nakakabuti talaga kina Barbie at Jak ang kanilang relasyon. Dahil kung si Barbie ay may bagong bahay, si Jak naman ay nagbukas na ng kaniyang sariling negosyo kamakailan.

MAKI-BALITA: Barbie Forteza, inisnab launching ng first business ni Jak Roberto?