Isa sa mga naging masaya sa pagkakabawi ng TVJ sa trademark ng "Eat Bulaga!" ay ang dating miyembro ng original Sexbomb Girls na si Jopay Paguia-Zamora.

Ang Sexbomb Girls ay sumikat na resident dancers ng nabanggit na noontime show. Sa kaniyang Instagram post, sinariwa ni Jopay kung paano sila nagsimula sa noontime show hanggang sa sumikat nang husto at mabigyan pa ng "Daisy Siete" na tumagal din ang airing sa GMA Network.

Naging tulay rin ito upang magkaroon sila ng commercials at iba pang mga raket o side hustles.

Isang kanta pa nga ng bandang Mayonnaise ang ipinangalan sa kaniya dahil sa kasikatan nila noon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagpasalamat din si Jopay sa kanilang manager na si Joy Cancio na siyang gumabay sa kanila.

Kaya nang umalis daw ang TVJ sa TAPE, isa raw sa mga nalungkot ay si Jopay.

"Sa Eat bulaga na naging tahanan at pangalawang pamilya ko ng almost 20yrs. Talagang nalungkot umiyak nag mukmok ako ng mabalitaan ko na nawala sa inyo ang pangalan na EAT BULAGA. akala ko aalis lang kayo sa TAPE yun pala pati trademark nawala din. Masakit sa dibdib sobra. Pero mabait si Lord, kapag naging humble at marunong talaga mag wait ibibigay nya ang isang malaking regalo para sa inyo at sa buong dabarkads," anang Jopay sa kaniyang Instagram post.

Kaya naman, malaki raw talaga ang utang na loob niya sa TVJ, Eat Bulaga, at kay Joy. Kaya naman, nagpaabot ng pagbati si Jopay sa pagkakabawi ng TVJ sa Eat Bulaga trademark.

"Kaya gusto kong i congratulate ang TVJ at ang buong DABARKADS. Dahil ang pangalan na EAT BULAGA malapit ng umuwi sa tunay nyang tahanan. I love you all and i miss you 😘"

Nag-iwan din ng bible verse si Jopay mula sa Matthew 18:21-22.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging hurado si Jopay sa katapat na show na "It's Showtime" na kasabayan ng "E.A.T." sa TV5.

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na