“Siyempre mayroon din namang import na dumarating kasi liberalized naman iyong importation natin. Based on historical data, may dumarating din na imports additional during the first quarter,” pagdidiin ng opisyal.
Umaasa rin si De Mesa na magkakaroon ng imbak ang bansa ng 20 milyong metriko toneladang bigas bago matapos ang 2023.
Nitong Nobyembre aniya, nasa 3.03 milyong metriko toneladang bigas ang imbak ng pamahalaan, mas mababa kumpara sa naitalang 3.5 milyong metriko tonelada sa kaparehohg panahon nitong 2022.
Sa ngayon aniya, hinihintay pa ng gobyerno ang 95,000 metriko toneladang Indian rice na bahagi ng 295,000 metriko toneladang nabili ng pamahalaan.
PNA