May bagong aabangang proyekto kina Kapamilya stars Joshua Garcia, Anne Curtis, at Carlo Aquino sa darating na 2024 ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 15.

Sila kasi ang nakatakdang gumanap sa Philippine adaptation ng patok na K-Drama series na “It’s Okay Not To Be Okay” na isa sa mga naka-line up na project ng ABS-CBN sa susunod na taon.

Bagama’t wala pang opisyal na ulat kung aling karakter ang gagampanan ng tatlo, ipinagpapalagay ng mga netizens na si Anne umano ang gaganap sa karakter na ginampanan ni Seo Yea-ji habang sina Joshua at Carlo naman ang gaganap sa mga karakter na ginampanan nina Kim Soo-hyun at Oh Jung-se sa nasabing serye.

Nakasentro ang kuwento ng serye sa isang anti-social children's book author at  sa isang empleyado ng psychiatric hospital.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Matatandaan na bago pa man pumutok ang balitang ito, usap-usap na noong nakaraang taon na kina Kapamilya stars Enrique Gil at Liza Soberano nakalaan ang proyektong ito. 

MAKI-BALITA: LizQuen, bibida sa PH remake ng Korean drama na ‘It’s Okay To Not Be Okay?’

Bukod sa “It’s Okay To Not Be Okay”, nakahanay din umano sa mga aabangang proyekto ng ABS-CBN ang mga sumusunod: Philippine Adaptation ng "What’s Wrong with Secretary Kim", "Bag Man",  "Flower of Evil", "Pinoy Big Brother", at "The Voice".