Isiniwalat nina Kapuso couple Dingdong Dantes at Marian Rivera ang isang eksena sa pelikula nilang “Rewind” kung saan sila nahirapan.

Sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” noong Miyerkules, Disyembre 13, naitanong ni Abunda kung kumusta umano ang dynamics nina Marian at Dingdong bilang artista na mag-asawa at ang dynamics nila bilang mag-asawa na mga artista.

Ayon kay Dingdong, madali naman umano ang kanilang naging pagganap sa bawat eksena sa “Rewind” maliban umano sa isa.

“Easier because nanggaling kami sa isang love team magmula noong 2007. So, ako naniniwala ako doon sa dynamics na magka-partner na kung talagang magwo-work ‘yan, magwo-work ‘yan kahit saan mo dalhin,” saad ni Dingdong.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“In fact, nag-work din siya pati sa aming personal na buhay. Na minsan na-aapply din namin sa aming personal lives as husband and wife. Pero ‘yung root of everything ay ‘yung the basic, fundamentals, like professionalism, ‘yung kakaibang talent niya, and ‘yung pakikitungo sa kapuwa.,” aniya.

Dagdag pa ni Dingdong: “Pero lahat ng mga ‘yun kasi na-aapply talaga namin pati sa aming set, sa aming professional life. Kaya nakikita ko na nagiging mas madali. Kunwari may gagawin kaming eksena. Dahil syempre mag-asawa na kami, kilala na namin ang isa’t isa, wala nang masyadong kapaan. Puwera lang sa eksenang ‘yun…At ‘yun ay ang…”

“Intimate scene,” natatawang pagsisiwalat ni Marian.

Paliwanag  ni Marian, nahihirapan sila ni Dingdong dahil malalaman umano ng mga nasa set kung paano sila mag-chorvahan.

“Ang hirap kasi kapag example, hindi naman kami magkarelasyon before, pero kailangan namin siyang gawin kasi ‘yon ‘yung character na hinihingi sa amin ng director. Pero ngayon na mag-asawa kami parang na-ooff kaming gawin na…malalaman n’yo kasi kung paano kami as mag-asawa,” ani Marian.

Napatawa tuloy si Abunda sa rebelasyong ito ni Marian.

“You know, I’ve done interviews about superstars doing movies. Kapag pinag-uusapan n’yo ang isang eksena, halimbawa ito, in this case, which is very difficult to do, alam n’yo ho ba, papanoorin ko ‘yan, ‘yon lang ang aabangan ko,” sabi pa ni Abunda sabay tawa.

Matatandaang ang “Rewind” ay kabilang sa mga pinangalanan bilang opisyal na lahok sa darating na 49th Metro Manila Film Festival.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na

Ang nasabing pelikula ay nasa ilalim ng Star Cinema, movie outfit ng ABS-CBN at dating mahigpit na karibal ng GMA Network.

MAKI-BALITA: ‘Another plot twist!’ Kapusong DongYan gagawa ng pelikula sa Star Cinema