Kaliwa't kanang Christmas party na ang isinasagawa sa mga paaralan at workplace, at bukod sa mga group presentation, raffle, kainan, at pa-contest, isa pa sa mga nagbibigay-buhay rito ay iba't ibang pakulong parlor games.

Isa sa mga patok na parlor games ay ang "The boat is sinking." Sa hudyat ng host, kailangang igrupo ng mga kalahok ang kanilang sarili batay sa numerong sasabihin niya. Ang hindi makakasali sa grupo ay bilog ay matatanggal na sa laro.

Para mas masaya, isang Senior High School teacher mula sa Quezon City Science High School na si Norman B. Tabios ang nakaisip na lagyan ng "twist" ang nabanggit na parlor game.

"The boat is sinking Quezon City Science High School edition. šŸ˜‚ talo na agad ako sa ganitong game. šŸ˜‚," aniya sa caption.

Human-Interest

AI software na detector ng bara sa puso, inimbento ng Grade 11 students

Makikita kasi na allowed ang paggamit ng calculator dahil sa nakakalokang mechanics nito, na kinakailangang i-solve ang mathematical equation o problem para mapabilang sa next round hanggang sa manalo.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Norman, naisip niyang kakaiba ang laro na alam niyang challenging at masasagutan ng kaniyang students lalo't nasa Science high school sila.

Kapag Science high school, karaniwan na sa kanila ang "gawing almusal, tanghalian, meryenda, at hapunan" ang Mathematics.

"This is part po of our games for our year end party. I instructed my students to facilitate a game per group and one of the groups decided to have 'The Boat is sinking with a twist' and integrate Pre-Calculus topics for the right answer," aniya.

Naging masaya naman daw ang kanilang party dahil sa palarong ito.

"As usual po, nag-panic po sila and nasasagot naman po nila 'yong mga tanong and then masaya rin kasi may element of difficulty and challenging po," anang guro.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ā€˜di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingĀ FacebookĀ atĀ Twitter!