Operasyon ng MRT-3 sa Pasko, Bagong Taon tuloy

(PNA)
Operasyon ng MRT-3 sa Pasko, Bagong Taon tuloy
Hindi kinansela ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Pasko at Bagong Taon upang patuloy na makapagbigay-serbisyo sa mga pasahero.
Sa Facebook post ng Department of Transportation (DOTr), regular weekday schedule ang ipatutupad ng linya sa Disyembre 15, 18-22, 26-29, 2023 at Enero 2-3, 2024.
Gagamitin naman ang weekend schedule para sa biyahe nito sa Disyembre 16, 23, at 30, habang regular Sunday schedule ang ipatutupad sa Disyembre 17.
Idinagdag pa ng ahensya na adjusted ang operating hours para sa biyahe nito sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon, gayundin sa Pasko at Bagong Taon.