Nakarinig ka na ba ng "ampalaya jam?"
Kapag sinabing "jam," alam ng lahat na ito ay matamis at puwedeng ipalaman sa tinapay, o kaya naman, papakin.
Subalit kung ang isang gulay gaya ng ampalaya na may mapait na lasa, uubra kayang gawing jam?
Patok sa mga netizen ang Facebook post ng isang nagngangalang "Hoy Ceejay" matapos niyang mapagkatuwaang i-post ang isang larawan ng kulay-berdeng jam, na pinangalanan niyang "ampalaya jam."
"Taob kangkong chips mo josh,, ito ampalaya jam," aniya sa caption.
Ang "kangkong chips" na tinutukoy niya ay produkto ng young CEO na si Josh Mojica na kilala sa kaniyang eksperimentong chips na naging dahilan ng pag-unlad ng kaniyang buhay sa murang edad.
Umani ng 116k laugh reactions, 16k shares at 1.1k comments ang kaniyang post, habang isinusulat ang artikulong ito.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Malalasahan ang pait ng nakaraan hahaha."
"Curious ako sa lasa hahaha."
"Ipakain sa mga bitter hahahaha."
"Uy, why not? Kapag nagawa mong matamis 'yan, bilib na ako sa iyo.
Pero totoo nga bang ampalaya jam ang nasa larawan?
Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita sa uploader na si Ceejay Mapare mula sa Binalbagan, Negros Occidental at isang blogger, biro lamang ang kaniyang ampalaya jam, subalit aminado siyang naisip na niyang mag-eksperimento nito at gawing negosyo.
"Actually this ampalaya jam not yet existed in the market and I haven't tried it to make ampalaya jam, it's just came from my imagination na what if magagawa yung ganitong idea and ano kaya yung lasa."
"I was surprised by the Kangkong Chips of Josh Mojica that he came up in that idea into a successful business. And for this ampalaya jam of mine this was made for fun and to trigger people curiosity. That picture is not actually an ampalaya jam, I just saw it on internet," pag-amin niya.
Ang makikita raw sa nabanggit na viral photo ay jackfruit jam/shake.
Kung sakaling matutuloy na gawing negosyo, bakit nga ba ampalaya ang bet niyang gawin?
"If i came up to this business I don't think so kung masarap ang ampalaya jam especially mag-aagaw yung tamis at pait. It sounds gross to some people especially hindi lahat kumakain ng ampalaya."
At kung matutuloy ngang maging business ito, ititinda raw niya ng 100 piso kada isang jar.
Pero alam mo bang bukod sa ideya ng ampalaya jam, may nakagawa na ng ice cream na may ampalaya flavor?
Noong Pebrero 2021, sa panahon ng Valentine's Day ay naglabas ng isang ice cream na may ampalaya flavor ang isang local ice cream brand.
May pamagat itong "Unresolved Issues ice cream," ayon sa artikulo ng Manila Bulletin.
"The only Valentine flavor that never changes year after year, this sorbet is made from fresh ampalaya and turned into a bitter sorbet that is mixed with sugar which sweetens it but you can still feel the bitterness coming through, like a long held grudge that refuses to let go. Never changing, never moving forward, always staying the same," the brand posted. " garnished with candied ampalaya to make it even more bitter. Our most infamous flavor," saad sa deskripsiyon ng Sebastian's.
Why not, 'di ba? Sabi nga, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!