Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) sa Ilocos Region ng karagdagang 296 bagong human immunodeficiency virus (HIV) cases sa unang pitong buwan ng taon o simula Enero 1, 2023 hanggang Hulyo 30, 2023.

Ayon sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nito lamang Hulyo 2023, nasa 45 bagong HIV cases ang kanilang naitala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid na ang Pangasinan ang may pinakamaraming bilang ng kumpirmadong kaso na nasa 28.

Sumunod naman ang Ilocos Sur na may anim; Ilocos Norte at La Union na may tig-apat na kaso at Dagupan City na may tatlong kaso.

Nabatid rin na mula 1984 hanggang sa kasalukuyan, nasa 3,051 indibidwal na ang natukoy na may sakit na HIV sa rehiyon.

Iniulat naman ni Infectious Disease Cluster Head Rheuel  C. Bobis na ang HIV-related  mortality ay bumaba ng 70%.

Gayunman, aniya, “Even with this development, we must continue our efforts towards an HIV-free future through a collective commitment, unwavering dedication, and comprehensive community involvement.”

Kaugnay nito, tiniyak ng DOH na nagpapatuloy ang kanilang adbokasiya sa rehiyon upang itaas ang awareness at tuluyan nang alisin ang stigma laban sa HIV at AIDS, sa pamamagitan nang empowerment sa mga komunidad na masangkot sa lahat ng aspeto ng kanilang HIV plans at mga programa.

Sinabi ni Assistant Regional Director Antonio M. Albornoz, na nanguna sa pagdiriwang ng World AIDS Day sa Bantay, Ilocos Sur noong Nobyembre 29, 2023, na mahalaga ang pakikiisa ng komunidad upang maging tagumpay ang layunin na tuluyang mapuksa ang AIDS sa taong 2030.

“Dapat kasama natin ang ating komunidad mula sa pagpaplano, policy-making, funding at monitoring activities as this will help to reduce the stigma and strengthens psychosocial support for patients," aniya pa.

Dagdag pa niya, “By urging communities to lead and support in the HIV program, we can improve referral systems for HIV-positive patients and most important we can reach those in the underserved, marginalized and hard-to-reach areas.”

“Napakaimportante na lahat ay involved at nagtutulungan sa pagtugon sa laban konta HIV upang makagawa tayo ng sustainable at efficient na mga programa base sa pangangailangan ng isang komunidad,” aniya.