Muling nagbigay ng opisyal na pahayag ang kilalang chiropractor-content creator na si Dr. Tyler Bigenho hinggil sa kumalat na maselang video niya sa social media.

Noong Nobyembre 30, bago pa man pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan ng KathNiel ay nasa trending topic list na sa X si Doc Tyler.

Makalipas ang ilang araw ay naglabas na rin ng pahayag ang doktor sa pamamagitan ng kaniyang FB reels.

"People are mean. Appreciate all the support from everyone," aniya sa caption.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kaniyang video, sinabi ng chiropractor na nakakaranas siya ng blackmail at extortion.

"Over the past week I have been the victim of blackmail and extortion over social media, and it's been probably the worst week of my life. And I wanna thank everybody who knows about the situation, who has reached out and offered words of support and encouragement, I really appreciate you, thank you so much."

"It's really hard and I've never gone through like this before, I can't say much more than that, because there are high-level authorities involved in this case..."

Bagama't hindi inamin o itinangging siya nga ang nasa video, sinabi ni Doc Tyler na mananatili pa rin siya sa kaniyang mga ginagawa, subalit huwag daw magtaka ang kaniyang mga tagasuporta kung mawawala siya ng ilang araw sa mga paparating na linggo, dahil tila may mga kailangan siyang ayusin.

Sana lamang daw ay respetuhin din muna ng mga tao ang kaniyang privacy.

MAKI-BALITA: Doc Tyler nagsalita na kaugnay ng pinagpiyestahang video

Sa latest at recent updates niya nitong Disyembre 14, hindi ikinaila ni Doc Tyler ang tungkol sa video. Aniya, ang pagkakamali niya ay nagtiwala siya sa isang tao, na eventually ay "sumira" sa kaniyang pangalan, at nalagay pa sa alanganin ang kaniyang propesyon.

Pero wala raw dapat ipag-alala ang mga tao dahil hindi naman daw mawawala o maaapektuhan ang kaniyang trabaho.

https://twitter.com/drtylerbigenho/status/1735105110991355916

Sa isa pang X post, sinabi ni Bigenho na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari upang mapanagot ang nasa likod ng pagkalat ng kaniyang maselang video.

"It is what it is. Just want everyone on X to know that Yes, federal agents are investigating everything. Yes, they can see everything. Yes, I believe I was targeted. No, there isn’t a 'scandal.' No, there isn’t additional content. And No, I don’t care anymore," aniya.

https://twitter.com/drtylerbigenho/status/1735107775888519639