Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 25, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    3 babaeng biktima umano human trafficking, naharang sa NAIA

    3 babaeng biktima umano human trafficking, naharang sa NAIA

    By
    Balita Online
    December 14, 2023
    In
    BALITA National
    3 babaeng biktima umano human trafficking, naharang sa NAIA
    (Manila Bulletin File Photo)

    3 babaeng biktima umano human trafficking, naharang sa NAIA

    By Balita Online
    December 14, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Nasabat ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong babaeng biktima umano ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City kamakailan.

    Hindi na isinapubliko ni BI chief Norman Tansingco ang pagkakakilanlan ng mga ito para na rin sa kanilang proteksyon.

    Aniya, ang tatlong Pinoy ay pasakay na sana sa Cebu Pacific patungong Singapore nang maharang sila nitong Disyembre 8.

    "They had gone to great lengths to conceal their true purpose, presenting themselves as co-workers on a three-day holiday,” anang opisyal.

    Nang imbestigahan, sinabi umano ng tatlo na magtatrabaho sila sa isang logistics company at bilang patunay ay iniharap pa ang kanilang papeles.

    Gayunman, nagduda ang mga opisyal ng BI hanggang sa matuklasang hawak ng tatlo ang kani-kanilang work permit para sa trabaho sa isang hotel sa Singapore.

    Aminado rin ang tatlo na ipinadala lamang sa kanila ang travel documents mula sa isang kakilala sa Facebook group para mai-print.

    “We encourage the public to remain vigilant and report any suspicious activities that may involve human trafficking or illegal recruitment,” pahayag pa ng opisyal.

    PNA

    Inirerekomendang balita

    2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

    2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

    Dalawang naghahabaang sawa ang nasagip ng mga awtoridad sa magkaibang residential area sa Leyte.Ayon sa mga ulat, nahuli ang unang sawa sa kisame ng isang bahay matapos itong mamataan ng isang residente.Tinatayang may haba ito ng mahigit 10 talampakan at napag-alaman ding nakalunok pa ito ng isang buhay na tuta.Ayon sa pagsusuri ng mga awtoridad, may sugat sa mata ang naturang sawa na kinailangang...

    MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

    MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

    Ipinagtanggol ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang traffic enforcer nilang pinagkamalang nagtatago umano habang nasa lansangan.Sa Facebook post kasi ni Kuya Jerwin Moto nitong Sabado, Enero 24, ibinahagi niya ang larawan ng naturang traffic enforcer kalakip ang malisyosong caption.“FROM Unknown Follower - tagu taguan sa Nagtahan Bridge(ilalim) ganyan na po ba talaga ang sistema ng...

    Bangkay ng babaeng 9 na buwan nang nakalibing, kinalkal sa libingan!

    Bangkay ng babaeng 9 na buwan nang nakalibing, kinalkal sa libingan!

    Natagpuan sa labas ng kaniyang nitso ang bangkay ng isang 36-anyos na babae na inilibing noong Abril 2025 sa Mabini, Bohol. Nadiskubre ang katawan sa Lungsodaan Public Cemetery sa labas ng nitso ng naturang bangkay.Ayon kay Police Senior Master Sergeant Emmanuel Habas, imbestigador ng Mabini Police Station, isang mag-asawang sina alyas “Carlo” at “Maria Grace” ang unang nakapansin na...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

    January 24, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Mga dapat malaman tungkol sa Autism Spectrum Disorder

    January 24, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Nakikilala ba ang personality ng isang tao base sa sulat-kamay?

    January 23, 2026

    FEATURES

    4

    ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?

    January 22, 2026

    FEATURES

    5

    #BalitaExclusives: Bagong silang na sanggol inabandona, natagpuan sa loob ng cardboard box sa gilid ng kalsada

    January 22, 2026

    FEATURES

    6

    #BALITAnaw: Makasaysayang EDSA Dos na nagpatalsik kay Erap sa Palasyo

    January 20, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Recognition rites ng isang sundalo, naging emosyonal na family reunion matapos ang ilang buwang ‘no contact’

    January 20, 2026

    FEATURES

    8

    Anak ng construction worker, manggagapas ng damo, nakatanggap ng higit ₱200k scholarship grant!

    January 19, 2026

    Opinyon

    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw? Nicole Therise Marcelo
    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita