Nag-aalok ng libreng sakay ang Quezon City government para sa mga maaapektuhan ng nationwide transport strike na pangungunahan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa Biyernes, Disyembre 14.

Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Quezon, magpapakalat sila karagdagang Q City bus sa lahat ng ruta upang maserbisyuhan ang mga mai-stranded na pasahero.

Eleksyon

DuterTHREE na lang? VP Sara sa unofficial election result: 'Not what we had hoped for'

Bukod dito, may ibreng sakay din ang General Services Department, Department of Public Order and Safety (DPOS) at Quezon City Police District (QCPD).

Magpapakalat naman ng traffic enforcers mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang alalayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng tigil-pasada na tatagal hanggang Disyembre 15.