Trending sa X ang mugshot ng social media personality at kilalang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Jam Magno, matapos isuko ang sarili sa mga awtoridad sa Butuan City.
Nakakaloka ang mugshot ni Jam dahil all-smile pa siya habang mababasa ang nakalagay na kaso laban sa kaniya.
Ang kaso raw niya ay "psychological violence," violation sa section 5 ng section 3-C ng Republic Act (RA) 9262 o "An Act Defining Violence Against Women and Their Children."
Ayon sa section 3-C ng RA na ito, ang ibig sabihin ng "psychological violence" ay "refers to acts or omissions causing or likely to cause mental or emotional suffering of the victim such as but not limited to intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse and mental infidelity."
Sa pagpapatuloy, "It includes causing or allowing the victim to witness the physical, sexual or psychological abuse of a member of the family to which the victim belongs, or to witness pornography in any form or to witness abusive injury to pets or to unlawful or unwanted deprivation of the right to custody and/or visitation of common children."
Imbes na iwasan, ibinalandra pa mismo ni Jam sa kaniyang Facebook account na "Jessica Ann Mancao Magno" ang larawan ng kaniyang mugshot.
Todo ang ngiti ng social media personality na para bang nag-selfie lang daw sa himpilan ng pulisya.
Giit niya sa kaniyang post, kaya siya todo-ngiti ay dahil alam niyang not guilty siya sa demanda laban sa kaniya. Bukod dito, parang ang saya-saya pa niya dahil sa mga naranasan, na tinawag pa nga niyang "wonderful experience."
Paglilinaw pa ni Jam, kusa siyang sumuko sa Butuan City Police Station 4 kasama ang kaanak at abogado. Nakapagpiyansa rin siya ng ₱72k.
"I smiled because I am NOT guilty," aniya.
"Have you ever seen a mugshot that's much prettier than mine? Still dili makatarog. Funny that people said I was arrested. Hahahahahaha."
"Correction. I surrendered and posted my 72,000 peso bail and did NOT ask for a discount, and I was escorted by an entire TEAM of Butuan's BEST. So kalma mga abog. Dili gihapon mo katarog."
"You should post my miranda right's video mas guapa ko didto. Hahaha!"
"And to be fair ha. Thank you to the Butuan City Police Station 4 for the wonderful experience today. I actually loved it! Hahahahaha! And to Barangay Ampayon's New Barangay Captain Kim Acalayen for the fast process of my Bail Requirements. Dalaygon and Diyos 🙏🏻," aniya.
Hindi naman idinetalye ni Magno ang dahilan ng asunto laban sa kaniya.
Sa panayam naman ng isang pahayagan kay Captain Charles Evan Gatchalian, kinumpirma niyang kusang sumuko si Jam sa kanilang himpilan dakong umaga ng Martes, Disyembre 12.
Inilabas daw ni Presiding Judge Ali Joseph Ryan Chiong Lloren ng Misamis Oriental Regional Trial Court, Branch 37 ang warrant of arrest laban kay Jam.
May kopya na raw kaagad ng arrest warrant ang kampo ng social media personality.
In fairness nga raw, naunahan pa sila ni Jam dahil nang tingnan nila ang kanilang record, wala pa sa database nila ang kaso nito.
Naproseso naman nila ang lahat dahil dala naman daw nila ang kopya ng arrest warrant, at nakatira naman sa Butuan si Jam.
Nakalaya siya dakong 3:35 ng hapon, sa parehong araw.
Nitong Miyerkules, Disyembre 13, trending ang pangalan ni Jam Magno.
Kung kukutuhin ang mga X post ng netizen, marami ang nagbubunyi dahil "the world is healing" na raw.
May mga nagtataka rin kung bakit siya kinasuhan ng "psychological violence" at curious ang mga netizen kung sino ang nagsampa ng kaso laban sa kaniya.
At may ilang netizens na nang-aakusang third party o tinatawag na "kabit" daw si Jam.
Isang X post pa nga na nakapangalan pa kay Sass Sasot (For the Motherland) ang pinagpiyestahan tungkol sa "tsika."
"So tsismosa ako..sabi ko sino yung nagdemanda kay Jam at bakit violence against women and children ang demanda...Then ayun pinadalhan ako ng family picture ng babae and the husband na allegedly, diumano, suspectedly, nagtatanong lang po eh naging jowa ni Jam..." mababasa sa X post.
https://twitter.com/srsasot_/status/1734585835952169127
Narito naman ang iba pang X post:
"Nang dahil sa kabit issue ni Jam Magno, may laglagan at exposé na ang naganap 🫢🤭."
https://twitter.com/avemariaelena/status/1734808728636137773
"Grabe ang lala pala ng issue ni Jam Magno taena kabitan pala 🤧."
https://twitter.com/onlyhere4Stell/status/1734803293778690241
"ang kaso ni jam magno ay... kabit sya? 😂"
https://twitter.com/humbingpunnies/status/1734799959004979493
"Psychological Violence because Jam Magno is a kabit 😭 I’m screaming."
https://twitter.com/jisuchrist/status/1734790069138100423
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Jam tungkol sa tunay na dahilan ng demanda sa kaniya, o kaugnay ng mga paratang at alegasyon laban sa kaniya ng X users. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.