Mga hog raiser na apektado ng ASF sa Aklan, binigyan ng ayuda
Tumanggap na ng financial assistance ang mga hog raiser na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Aklan nitong Martes.
Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1,092 hog raisers ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program sa ABL Sports Complex, Kalibo, Aklan.
Pinangunahan ni DSWD Assistant Secretary Florentino Loyola, Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo ng programa.
Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang lalawigan matapos maapektuhan ng sakit ang ilang bayan sa lalawigan nitong Mayo 2023.