Sina dating Pinoy Big Brother housemates KD Estrada at Alexa Ilacad na ba ang bagong papalit sa tambalang KathNiel?

Sa latest episode kasi ng Marites University nitong Martes, Disyembre 12, ibinahagi ni “Ambetable Professor” Ambet Nabus ang napag-usapan sa isa umanong presscon kasama si Direk Cathy Garcia-Sampana.

“Dati pa naman talaga malakas ang tambalan na ‘to. So, maraming nagtatanong at naku-curious. ‘So, Direk Cathy, since ikaw din ba ang nanay-nanay nitong dalawang ‘to na talagang parehong mabait, anong masasabi mo?’” kuwento ni Ambet.

“Ta’s dinescribe naman niya na si Alexa e talagang matagal na. Bata pa, artista na. Mahusay naman daw. Pero nakikita daw niya na ibang klase daw ‘tong si KD. Na ‘di siya magtataka one of these days e aarangkada rin sila bilang tandem,” aniya.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Dagdag pa ni Ambet: “So, may nagtanong. ‘Sa tingin mo ba, sila na ang papalit sa KathNiel?’ Hindi siyempre sumagot nang diretso si Direk Cathy. Although sinabi niya may ibang proyekto na supposedly para sa KathNiel na parang sa kanila ibibigay.”

Hindi naman ito nakakapagtaka dahil noong nakaraang taon ay ginawaran sina KD at Alexa bilang “Asia’s Most Promising Love Team for 2022”.

MAKI-BALITA: KDLex, ginawaran ng parangal bilang ‘Asia’s Most Promising Love Team for 2022’

Pero sana lang, sabi ng co-host niyang si Rose Garcia, ‘wag sanang magaya ang KDLex sa kinahantungan ng 11 taong relasyon ng KathNiel.

Matatandaan kasi na noong isang buwan ay kinumpirma ng KathNiel na totoong hiwalay na sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn