Viral ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Lacruiser P. Relativo matapos niyang ilahad ang kaniyang saloobin at obserbasyon sa ilang mga customer na "ginagawang extension ng sala sa bahay" o living room ang coffee shops.

"It's past midnight, but I can't take a blind eye on the unusual situation happening in our coffee shops today. Ginawa nyo lang namang extension ng sala nyo ang establishments na ang goal is to make revenue in the ever competitive market," aniya.

Sinita ng netizen na isang maritime practitioner ang gawi ng iba na nilalagyan o pinagpapatungan ng bags o gamit ang mga mesa at upuan kaya hindi na makagamit ang iba pang mga customer na nagnanais manatili sa loob ng coffee shop. Naihambing pa niya ito sa covered court at parking areas kung saan nasisita ang pagtayo ng ibang tao upang maireserba ang espasyon kahit wala pa ang sasakyan.

"Don’t get me wrong ha. I'd appreciate if your purchase could validate your extended presence in the coffee shops kaso hindi po. Nagulat na lang ako na may mga tables na wala namang tao pero may mga bags to signal na occupied na. Hindi ito covered court people. At lalong hindi parking area na may taong mag aabang sa parking space kahit wala pa ang sasakyan."

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa kabilang banda, hindi naman daw masama ang pag-aaral sa loob ng coffee shop, subalit huwag naman daw itong ituring na parang bahagi ng sariling bahay.

"I am not against studying in coffee shops pero I am alive against people na makakapal ang mukha! Hindi ibig sabihin na bumili kayo ng 150 or so purchase gawin nyo nang dormitory or sala ang establishment."

"You are consuming their resources more than the caffeinated drinks. At kanina may nakita akong dalawang naglalaro ng ML! Kami pa ang mag adjust ng boses namin kasi 'study mode' kayo. Well, that is a basic etiquette we possess that clearly you do not have."

"I completely empathize with the pressure caused by school deadlines. Pero please naman, baka pwedeng ma enjoy ang thousand pesos purchase namin for 30 minutes face to face chat with friends HINDI dahil nauna kayo but because alam nyong nag over stay na kayo."

"This post do not intend to make enemies. I have enough. But rather to raise awareness and encourage consideration so that all customers from diverse background can enjoy a positive experience in our coffee shops. Thank you!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Let our coffee shops impose their own rules and us, customers, comply na lang. Sa mga ganitong pagkakataon naman, first come, first served. If nadatnan mo na matao at walang bakante, adjust and look for other areas where you can stay without compromising the rules set by the shop."

"If starbucks ito, they allow people to stay talaga sa coffee shops nila. That's the reason why wala silang pinapaalis kahit nakalatag ng laptop or study materials. Part ng values nila sa company na gawing Third Place experience ang shops nila. At the end of the day, its first come, first served."

"Common sense lng tlga sagot dyan, kung over stay kana, umalis kana, be considerate sa mga new comers na may order, wag gawing sala ang coffee shop, even ako I will stay sa coffee shop longer kung walang tao, pero pg dumarami na, kusa na ako umaalis to give way sa mga bagong customer na may order."

"I am paying for my coffee and food and I am working sa coffee shop if I feel like it. If I feel na magstay ako ng matagal then I’d order again kasi alam ko na may turning table and income projection ang isang table per hour. but then again, pag kayo na po nagbabayad ng coffee and food ko then I might consider your thoughts and opinion. kilala na rin naman ako ng mga barista kasi almost every other day ako nasa coffee shop nila."

Samantala, isang dayuhang vlogger ang nagbigay rin ng kaniyang saloobin hinggil sa behavior ng Pinoy customers pagdating sa pagtambay sa coffee shops.

MAKI-BALITA: Afam na vlogger dismayado; coffee shop sa Pinas ginagawang ‘personal office’

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!