Puspusan na ang isinasagawang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)-Special Operations Group-Strike Force bilang paghahanda sa MMFF (Metro Manila Film Festival) Parade of Stars sa Sabado, Disyembre 16.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Inalis ang mga sasakyan na iligal na nakaparada at iba pang uri ng sagabal sa mga lansangan ng Caloocan, Navotas, at Malabon para maayos at ligtas na madaanan.

Nasa 81 illegally-parked vehicles ang nahuli ng MMDA sa mga nasabing lugar.

Bukod dito, pinaigting din ng MMDA ang kahalintulad na operasyon sa Mabuhay Lanes na nagsisilbing alternatibong ruta ng mga motoristang umiiwas sa matinding trapiko sa EDSA.

Sinabi pa ng MMDA, magsisimula ang parada ng mga float sa Navotas Centennial Park, C-4 Road, tatagos sa Samson Road, at Mc Arthur highway hanggang makarating sa Valenzuela People's Park kung saan gaganapin ang main event.