Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Biliran nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:44 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kawayan, Biliran, na may lalim na 8 kilometro.

Naiulat ang Internsity II sa Naval, Biliran.

Eleksyon

DuterTHREE na lang? VP Sara sa unofficial election result: 'Not what we had hoped for'

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.