Napuri ng showbiz columnist-talent manager na si Lolit Solis ang kaniyang alagang si Kapuso actor-TV host Paolo Contis sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Sa updates ng talent manager kay Paolo, mukhang maganda na raw ang "financial standing" ng Eat Bulaga! host.

"Alam mo ba Salve na very happy ako ngayon kay Paolo Contis. Kasi nga kitang kita ko dedication niya sa sa trabaho, plus mukhang maganda ngayon financial standing niya," salaysay ni Lolit.

"Humingi ako sa kanya ng cellphone para kay Gorgy at kaagad niyang ibinigay."

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

"Sana nga maayos na niyang naha handle ang pera niya para maayos narin niyang matupad ang pangarap niyang makabili ng bahay."

Aminado naman si Lolit na ang alaga niya ay hindi pa ganap ang maturity pero hindi raw makukuwestyon ang dedikasyon nito pagdating sa trabaho.

"Si Paolo Contis ang isang tao na getting older but refusing to grow up dahil hangga ngayon hindi pa ganap ang maturity para maging very responsible sa kanyang mga desisyon. But slowly he is getting there."

"Makikita mo na sa kanyang dedication sa trabaho. Keep growing up Paolo Contis, dahil mabait ka, sure ako mararating mo at makukuha lahat ng dream mo. Bongga," aniya.

MAKI-BALITA: Real talk ng manager: Paolo, may pera na pero hindi pa ganap ang maturity

Isa pa sa mga nabanggit ni Lolit sa kaniyang post, dream daw niyang matagpuan na ni Paolo ang "forever" na magiging partner niya.

"At isa pang dream ko para sa kanya ay matagpuan na niya sana ang babae na magiging forever niya. Iyon ang kailangan ni Paolo Contis isang partner na magiging matibay niyang sandalan sa mga moments na medyo dumidilim ang paligid niya," aniya.

"Paolo Contis is such a good person kaya tiyak ko matatagpuan din niya lahat ng kailangan niya sa buhay na masaya at tahimik."

Ang tanong, bakit kaya hindi binanggit ni Lolit ang kasalukuyang girlfriend ni Paolo na si Yen Santos?

Matatandaang sa kaliwa't kanang balita ng hiwalayan ng showbiz couple ay marami ang napapatanong kung okay pa ba sila ni Yen, matapos maisyu ni Paolo sa co-host niya sa Eat Bulaga na si Arra San Agustin.

Subalit sa latest panayam kay Paolo sa "Fast Talk with Boy Abunda," nilinaw ng host na okay pa sila ni Yen, at ang isyu sa kanila ni Arra ay minalisya lamang ng mga netizen mula sa spliced video.

MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra

Samantala, binara naman ng social media personality na si Rendon Labador ang sinabi ni Lolit tungkol sa pagkakaroon ng bagong partner ni Paolo.

MAKI-BALITA: Rendon, pinuna advice ni Lolit kay Paolo