Pasabog ang Facebook post ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe matapos niyang i-ulat na binura ni Kapuso actor Xian Lim ang halos lahat ng vlogs at videos niya, at ilan dito ay kasama ang girlfriend na si Kapamilya actress-TV host Kim Chiu.
Tatlong vlogs/videos na lang daw ang makikita sa YouTube channel ng Kapuso actor.
Mababasa sa FB post ni MJ, "LOOK: Xian Lim has deleted/removed all his videos on his YouTube channel including his vlogs with Kim Chiu."
"Only 3 videos and 2 shorts were retained. None of these retained videos had Kim Chiu in it," ani MJ.
"For the past month and weeks, Kim and Xian has been in the news rumored to have broken up. Kim has been evading these rumors and questions from the press."
Tanong pa ni MJ sa madlang netizens, "Kayo, what do you think this means?"
Kalakip ng kaniyang post ang mga screenshot ng "resibo" sa pag-delete ni Xian Lim sa kaniyang vlogs sa YouTube channel.
Kung sisilipin nga ang YouTube channel ni Xian, tatlong vlogs/videos na lang ang naroon.
Matatandaang matagal nang umiikot-ikot ang tsikang hiwalay na sina Xian at Kim subalit hindi pa ito kinukumpirma ng dalawang kampo.
Makahulugan naman ang naging sagot ni Kimmy nang matanong tungkol dito. Aniya, sa kanila na lang daw muna kung anuman ang estado ng relasyon nila ngayon.
Bukod dito, kapansin-pansing makahulugan ang biruan nila ni Vice Ganda kapag nagho-host sila sa It's Showtime.