Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Surigao del Norte nitong Martes ng hapon, Disyembre 12.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol bandang 2:22 ng hapon sa General Luna sa Surigao del Norte.

Dagdag pa ng Phivolcs, walang inaasahang aftershocks at mga pinsala kasunod ng lindol.

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

Samantala, bukod sa Surigao del Norte, nakararanas din ang sunod-sunod na lindol at aftershocks ang Surigao del Sur mula nang yanigin ito ng magnitude 7.4 na lindol.

Maki-Balita: TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur