Bigla raw nanigas ang isa sa mga coach ng “The Voice Generations” sa grand finals ng nasabing programa.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Disyembre 11, inusisa ni Boy kung bakit natutulala umano si Stell nang ihayag bilang kauna-unahang winner sa “The Voice Generations” ang sinupervise niyang “Vocalmyx”.

“Bigla po akong nanigas po talaga, Tito Boy, sa kinalalagyan ko. Pinrepare ko ‘yong sarili ko ‘pag nanalo siyempre dapat masaya ako for Vocalmyx for our team. But inisip ko rin na kapag natalo, kailangan kong i-accept ko ‘yung fact na ‘yon kasi this is a competition,” paliwanag ni Stell.

“So, noong naglalaro ‘yon sa isip ko, ‘Mananalo ba? Matatalo? Mananalo, matatalo?’ Sabi ko na lang expect the worse. ‘Pag natalo, accept mo na. Ang mahalaga, ‘yong journey ng mga bata kasama ako talagang masasabi kong mapapabaon ko sa kanila hanggang sa pagtanda nila,” aniya.

Dagdag pa niya: “And noong tinawag ‘yong ‘Vocalmyx’ talagang nag-flashback po lahat ng mga pagdududa ko sa sarili ko, pagdududa ko sa buong journey ko sa ‘The Voice’ even ‘yong journey ko as SB19. Parang ‘talaga nangyayari ‘to?’ Na parang ‘deserve ko ba ‘to?’ Parang pumasok po ‘yon sa isip ko. And then parang lahat po talaga nag-pause po sila lahat sa paningin ko. Lahat ng tao bumagal ‘yung galaw, ‘yung paligid ko talagang tumahimik.

GM Torre, binanatan si Comm. Calinisan: 'Anong klase kang adjudicator?'

Kaya hindi raw talaga alam ni Stell kung paano magre-react mula sa sitwasyong ‘yon. Basta ang sigurado lang siya, sobrang saya niya at excited siya sa mga susunod pa niyang project o sa season 2 ng “The Voice” kung magkakaroon man.

Bukod kay Stell, kasama niya rin sa “The Voice Generations” ang lead vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda na nag-coach sa girl group na Sorority, si “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose na gumabay sa singing duo na “Music and Me”, at si TV host-singer Billy Crawford naman ang nag-mentor sa singing trio na P3.