Pinuri at ni-real talk at the same time ni Lolit Solis ang kaniyang alagang si Kapuso actor-TV host Paolo Contis sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Sa updates ng talent manager kay Paolo, mukhang maganda na raw ang "financial standing" ng Eat Bulaga! host.

"Alam mo ba Salve na very happy ako ngayon kay Paolo Contis. Kasi nga kitang kita ko dedication niya sa sa trabaho, plus mukhang maganda ngayon financial standing niya," salaysay ni Lolit.

"Humingi ako sa kanya ng cellphone para kay Gorgy at kaagad niyang ibinigay. Sana nga maayos na niyang naha handle ang pera niya para maayos narin niyang matupad ang pangarap niyang makabili ng bahay."

Eleksyon

Paglaban sa mga 'pusit,' iiwang legasiya ni Rep. Castro sa kongreso

Hangad nga raw ni Lolit na sana raw, matagpuan na ni Paolo ang "forever" na magiging partner niya.

"At isa pang dream ko para sa kanya ay matagpuan na niya sana ang babae na magiging forever niya. Iyon ang kailangan ni Paolo Contis isang partner na magiging matibay niyang sandalan sa mga moments na medyo dumidilim ang paligid niya. Paolo Contis is such a good person kaya tiyak ko matatagpuan din niya lahat ng kailangan niya sa buhay na masaya at tahimik."

Aminado naman si Lolit na ang alaga niya ay hindi pa ganap ang maturity pero hindi raw makukuwestyon ang dedikasyon nito pagdating sa trabaho.

"Si Paolo Contis ang isang tao na getting older but refusing to grow up dahil hangga ngayon hindi pa ganap ang maturity para maging very responsible sa kanyang mga desisyon. But slowly he is getting there. Makikita mo na sa kanyang dedication sa trabaho. Keep growing up Paolo Contis, dahil mabait ka, sure ako mararating mo at makukuha lahat ng dream mo. Bongga," aniya.

Photo courtesy: Lolit Solis (IG)