Nasa 27 pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel ang magpa-Pasko na kapiling ang pamilya sa Pilipinas matapos silang umuwi sa bansa nitong Disyembre 11.

Ito ang inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) at sinabing ang mga nasabing Pinoy ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 lulan ngn Etihad Airways flight EY424 nitong Lunes ng hapon.

Sa naturang bilang, 25 ang caregivers at dalawa ang hotel workers.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang mga ito ay sinalubong ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Foreign Affairs, at Philippine National Red Cross.

Bago pinauwi sa kani-kanilang probinsya, binigyan muna sila ng financial assistance ng pamahalaan.