Galit na galit umano ang mga tagahanga at tagasuporta ni “It’s Showtime” host Kim Chiu sa jowa nitong si Xian Lim.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Disyembre 12, inihayag ni showbiz columnist Cristy Ferminute ang mga saloobin umano ng fans ni Kim.

“‘Pinaasa mo [Xian] lang naman pala si Kim, e. Hindi ka naman pala seryoso, e’,” saad ni Cristy.

“Saka halatang-halata na talaga na tapos na ang relasyon nila. Wala na silang pwedeng ikaila pa. Tapos na ‘yan. May period na ‘yan, sa totoo lang,” sabi pa niya.

Politics

13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson

Sa katunayan, nitong araw lang din ay naiulat na binura na ni Xian ang mga vlog niya sa kaniyang YouTube account kabilang na iyong mga kasama niya si Kim.

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

Sey tuloy ng co-host na si Romel Chika, kawawa naman umano si Kim dahil tila nasayang umano ang “pagkadalaga” ng aktres.

“Kawawa ‘tong si Kim Chiu, Nay, ‘no. Biruin mo ilang taon, 12 years. Tapos nawala na ‘yong pagkadalaga niya. ‘Yong dapat na nakikipagrelasyon siya sa iba, nakikipag-date dahil naging maano siya—”

“Naging tapat,” agaw naman ni Cristy.

Matatandaang lalong umugong ang bali-balitang hiwalay na umano sina Xian at Kim nang tanungin ang huli ng co-host niyang si Vice Ganda sa isang segment ng “It’s Showtime”.

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Nagbigay naman ng pahayag si Kim kaugnay sa isyung ito sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News.

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian