Usap-usapan at minalisya ng mga netizen ang litrato ng Kapamilya stars at Star Magic artists na sina Gerald Anderson at Barbie Imperial na makikita sa opisyal na Facebook page ng nabanggit na talent arm management ng ABS-CBN.
Nagpunta kasi sina Gerald at Barbie sa Shukran Festival 2023 sa Dubai para magbigay-saya sa mga Pilipino roon.
"Tatak Star Magic all the way in Dubai! Gerald Anderson and Barbie Imperial brought smiles to Kapamilyas across the globe for the ✨Shukran Festival 2023✨event!," mababasa sa caption ng post.
Pinagpiyestahan ng mga netizen ang picture together ng dalawa. May mga nagsabi pang kabahan na raw ang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto.
"Kabahan kna julia"
"Kabahan na si Julia"
"HAHAHAAHAA kabahan kna Julia"
"Bakit parang ako ang kinakabahan para Kay Julia"
"Kabahan na c Julia nko maganda pa nman c barbie ska sexy"
"Delikado si Julia hahahaha."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Gerald, Barbie, at maging si Julia sa mga hirit ng netizen. Kakaloka!