Nag-react ang Kapamilya star na si Joshua Garcia sa kumakalat na quote card tungkol sa kaniya.

Sa nabanggit na quote card, tila pinagsabihan daw niya ang kaibigan at kapwa Kapamilya star na si Daniel Padilla hinggil sa ginawa nito sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Lumalabas kasi sa naging "sermon" daw ni Joshua kay Daniel na parang matagal na nitong alam ang "namamagitan" sa kanilang dalawa ni Andrea Brillantes.

Nauugnay si Andrea sa hiwalayan ng KathNiel.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Mababasa pa sa caption na "JOSHUA NILAGLAG SI DANIEL PADILLA."

At sa mismong quote card, nagbitiw raw ng mga pahayag ang aktor laban kay Daniel, "Matagal na kitang sinabihan na ayusin mo yung ginagawa mo at yung relasyon niyo ni Kath, pero hindi ka nakinig at tinuloy mo yung mga kalokohang ginagawa niyo ni Andrea."

Niretweet naman ito ni Joshua sa kaniyang X account at nilagyan ng caption na "FAKE NEWS!"

https://twitter.com/iamjoshuagarcia/status/1734056163954835710

Sey naman ng mga netizen, talamak at malala na ang paggawa ng iba't ibang pekeng balita at quote cards ng mga artista kaya dapat ay mag-ingat ang madlang netizens sa mga nababasa at paniniwalaan nila.

Matatandaang nabiktima rin nito ang aktres na si Sarah Lahbati na nagbitiw naman daw ng maaanghang na salita laban sa kaniyang mother-in-law na si Annabelle Rama.

MAKI-BALITA: Sarah nilinaw ang tungkol sa kumakalat na quote kontra Annabelle, mother-in-laws

Kaugnay pa rin ito sa isyung hiwalay na sila ng mister na si Richard Gutierrez.