Sa Pebrero 2024 umano nakatakdang bumalik ang programang “It’s Your Lucky Day”.
Ayon kay showbiz columnist Ogie Diaz nitong Martes, Disyembre 12, bagama’t wala pa umanong kumpirmasyon ang balitang ito, masaya pa rin siya dahil sa dalawang bagay.
“Natutuwa lang ako kasi kung matutuloy ito, come February, bongga. Una, ang daming magkakaroon ng trabaho na mga staff. Tapos, mababalik ‘yong grupo ni Luis Manzano,” saad ni Ogie.
Sa usapin naman ng timeslot, pinapangarap umano ng mga tao na mailagay ang programa nina Luis bago umere ang “It’s Showtime” para back-to-back ang pagkakaiba ng dalawang entertainment.
“Pero ang narinig ko, bago mag-TV Patrol. Kaya abangan natin ‘yan kung matutuloy sa February. Pero magandang balita ito,” sabi pa ng showbiz columnist.
Matatandaan na ang “It’s Your Lucky Day” ang noontime show na rumelyebo sa “It’s Showtime” noong patawan ang huli ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12-day airing suspension.
MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’
MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB