Isiniwalat ng aktor na si Derek Ramsay na nagbuntis umano ang kaniyang partner na si Ellen Adarna.

Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas nitong Lunes, Disyembre 11, nasa Spain umano sina Derek para ipagdiwang ang birthday niya at ng kaniyang ina nang malamang buntis si Ellen.

Pero pag-uwi ng bansa ay hindi raw ito natuloy dahil nag-spotting umano si Ellen at isinugod pa sa ospital last week.

“Everything happened so fast so that’s why we’re still just so lost. So it was like an awesome birthday gift to my mom, an awesome birthday gift to me,” ani Derek.

National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya

Pero desidido pa rin umano silang ituloy ang naudlot na planong magkaanak lalo pa’t natuklasan nilang hindi naman sila baog pareho.

“The doctor said at least what I can tell you is both of you is not baog. ‘Yon ‘yong stress ko, e,” saad pa niya.

Matatandaang November last year ay muling nagpakasal ang dalawa sa Peru.

MAKI-BALITA: Derek at Ellen, nagpakasal ulit sa Peru