Flinex ni Magandang Buhay momshie host at Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang isang kuhang litrato ng isang lumang papel kung saan makikita ang sulat-kamay ng mister na si Ogie Alcasid.
Ang nakasulat sa lukot-lukot nang papel, orihinal na lyrics ng hit at iconic song na "Kailangan Ko'y Ikaw" na isa sa mga kinanta ni Ate Reg, at may version din si Ogie.
Mababasa sa PS note ni Ogie, "My Dearest Regine, Here is the original writing of our "masterpiece." Take care always my friend."
Sa ilalim nito ay lagda ni Ogie na siyang nag-compose ng awitin.
View this post on Instagram
Caption naman dito ni Regine, "Kailangan koy ikaw ❤️❤️❤️ @ogiealcasid."
At siyempre, hindi naman nagpahuli rito ang mister.
"Ikaw ang kailangan ko," aniya.
Siyempre, "nilanggam" naman ang mga netizen sa lambingan ng dalawa.
Maging ang mga kapwa celebrity ay kinilig sa kanilang dalawa, kasama na ang Magandang Buhay co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Matatandaang nagsimulang maging magkaibigan sina Regine at Ogie during SOP days bago mahulog sa isa't isa.
Bago si Regine, ang unang misis ni Ogie ay si Australian beauty queen-actress Michelle van Eimeren subalit annulled na sila noong 2007.
Maayos naman ang relasyon nina Regine at Michelle; sa katunayan, nagkikita-kita sila kapag may mga event gaya na lamang ng Bagong Taon.