Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng gabi, Disyembre 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:55 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 59 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 12 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.