Ipamamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw (Disyembre 11) ang social pension ng mahihirap na senior citizen na residente ng Quezon City.

Sa social media post ng Quezon City government, ang unclaimed social pension payout (1st and 2nd semester) ay maaaring i-claim sa City Treasurer's Office (CTO), simula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Katuwang ng DSWD sa pamamahagi ng pensyon ang QC Social Services Development Department (SSDD) at CTO.

Eleksyon

Fake news peddlers, pinakakasuhan ng Makabayan sa Comelec

Sa datos ng pamahalaang lungsod, aabot na sa 375,000 ang nakarehistrong senior citizens sa kanilang nasasakupan.