Magandang balita dahil bababa ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.

Sa abiso ng Meralco, nabatid na aabot ng 79.61 sentimo kada kWh ang ibababa ng kanilang singil sa kuryente ngayong buwan.

Bunsod nito, ang overall rate para sa isang typical household ay aabot na lamang sa P11.2584/kWh mula sa dating P12.0545/kWh noong Nobyembre.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nangangahulugan ito ng tipid na P159 sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh na kuryente kada buwan; P239 sa mga nakakagamit ng 300 kwh; P318 sa nakakakonsumo ng 400 kWh at P398 naman sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga,  ang tapyas sa singil ay bunsod nang pagbaba ng generation charges, gayundin ng transmission charges, Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).