Marcos, dadalo sa ASEAN-Japan Summit sa Disyembre 15
Nakatakdang umalis ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang dumalo sa ika-50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Commemorative Summit ngayong weekend.
Ito ang pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu sa isinagawang press conference sa Malacañang nitong Lunes, Disyembre 11.
"Now, this is very important because Japan is one of the first dialogue partners of ASEAN, and it’s one of the most dynamic. And its participation in ASEAN has covered not only political security matters such as defense and transnational crime and mutual legal assistance, but also mutual economic activities which all help in community building in ASEAN; and also cultural and people-to-people activities," ani Espiritu.
Posible rin aniyang magkaroon ng bilateral meeting sina Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Inaasahang dadalo si Marcos isang dinner na inihanda ni Kishida sa State Guest House o sa Akasaka Palace sa Sabado, Disyembre 16.
Itinakda naman ang pagpupulong sa Disyembre 17 kung saan tatalakayin ang ugnayan ng ASEAN-Japan at international and regional developments, kabilang na ang usapin sa West Philippine Sea (WPS).
"So here, not only will they review the cooperation activities of ASEAN through the years, but also they will discuss South China Sea, East China Sea, Myanmar, North Korea and other international developments that have a bearing on ASEAN," anii Espiritu.
Bukod dito, dadalo rin si Marcos sa isang event na inorganisa ng Asia Zero Emission Community, isang hiwalay na regional organization na binubuo ng ASEAN, Japan at Australia.
PNA