
(PCG/FB)
Int'l support para sa Pilipinas kaugnay ng pag-atake ng China sa WPS, bumuhos
Nasa 14 bansa na ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas sa gitna ng pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.
Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Lunes, Disyembre 11.
Paliwanag ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, nababahala na rin ang mga naturang bansa kaugnay ng nangyayari sa teritoryo ng Pilipinas.
“We’re very appreciative of the fact that many countries have actually expressed support for the Philippines. And, as of our latest count, that there been 14, or so,” ani Daza.
Lumakas aniya ang suporta ng iba't ibang bansa sa Pilipinas dahil na rin sa patuloy na pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.
Kabilang sa mga nasabing bansa ang Australia, Canada, Denmark, the EU, Finland, France, Germany, Ireland, Japan, Republic of Korea, the Netherlands, New Zealand, United Kingdom at United States.
Nitong Linggo, nakaranas na naman ng pangha-harass ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas mula sa kamay ng CCG sa gitna ng rotation at resupply mission ng mga ito sa BRP Sierra Madre.