Obvious naman daw na tungkol sa hiwalayan ang tema at mensahe ng kaniyang kanta, kaya inamin ng singer-actor na si JK Labajo na ang ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz at kanilang split ang pinaghugutan niya rito.

“Kung hindi obvious, ewan ko na lang!” ani JK sa isang panayam.

“I’m not really hiding anything, it’s a super given thing that the whole thing was for a breakup. ‘Ere’ is one of the songs that I made for my relationship that ended, so that’s it,” dagdag pa ng "Senior High" star.

Pumatok sa masa ang kanta dahil bukod sa relatable ito, maganda rin ang tono nito; at may malutong na mura pa.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Historic ang "Ere" dahil ito ang kauna-unahang Pinoy song na nakapasok sa Spotify Global Chart.

Noong Hunyo 2022 ay inamin ng mag-ex na hiwalay na sila.

"Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. ❤️”

Dagdag niya, “Ikaw ay malaya nang lumipad, aking paruparo," ani JK sa kaniyang Instagram post.

Sa kaniyang Instagram post naman ay kinumpirma ito ni Maureen.

"Some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own 🤍” anang beauty queen.

Nagkomento naman dito ang singer-actor na unang nakilala sa "The Voice Kids" season 1 ka-batch nina Lyca Gairanod at Darren Espanto.

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with. You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen. ❤️”

MAKI-BALITA: Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo, hiwalay na rin