Mga Pilipinong netizen na ang humingi ng dispensa sa isang Australian vlogger na na-scam ng isang tricycle driver sa Maynila.

Sa ulat ng GMA Integrated News noong Disyembre 1, nahuli na ang tricycle driver na inireklamo ng pang-iiscam ng Australian vlogger na si Dwaine Woolley habang siya ay nakatuloy sa isang hotel sa Ermita, Maynila.

Noong Nobyembre 25, 2023, idinetalye ni Dwaine sa kaniyang ">YouTube channel kung paano siya niloko ng mapansamantalang tricycle driver. May pamagat ang vlog niyang "Dealing with Scammers in Manila."

Hindi lang doble ang singil ng tricycle driver sa afam na vlogger; mula sa ₱50 ay biglang ₱550 na ang singil sa kaniya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"I was staying in Ermita, Manila and was going to Robinsons Manila when a Trike pulled up beside me. He said it was 50 Pesos to go there so I rode his tricycle," kuwento niya.

"When we arrived he said it's 550 Pesos! Scammer pala siya! We had a confrontation over it. Here's how it was handled. Sa sunod pupunta na lang ako sa Pulis."

May isang lalaki at babaeng kasabwat pa raw ang tricycle driver na nang komprontasyon na nila ay iginiit na totoo ang sinasabi ng driver.

Kamakailan lamang, nasakote ang tricycle driver dahil nahuli ito ng traffic enforcers dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

Walang naipakitang lisensya ang tricycle driver at natuklasang colorum ang ginagamit niyang pamasada.

Noong Disyembre 6, muling nag-">vlog si Dwaine at idinetalye niya ang pagdalaw niya sa kulungan. Dinalaw niya umano ang "scammer" na tricycle driver.

"Update on the Tricycle driver na scammer sa Manila. Nagdecide na ako kung mag reklamo ako," aniya.

Ipinakita ni Dwaine ang pagdalaw niya kay "Joselito" at tinanong kung nasaan na ang lalaki at babaeng kasabwat ng mga ito.

Iginiit ng tricycle driver na hindi niya kasabwat ang dalawa kundi naki-ride on lang sa kaniya; ang mga ito raw ay humihithit ng "solvent."

Nasa ospital daw ang anak niya kaya niya nagawa ang scam.

Ngunit sa huli ay pinatawad naman ni Dwaine ang nabanggit na tricycle driver.

Sa comment section, mismong mga Pinoy netizen na ang nahiya sa ginawa ng "scammer" at humingi ng paumanhin sa dayuhang vlogger. May mga nagsabing tama lamang na patawarin ni Dwaine ang tricycle driver ngunit dapat daw nitong pagbayaran ang mga nagawang pagkakamali, para magtanda at hindi na ulitin pa.

"Mad respect to you Mr. Woolley for the forgiveness. Like the Chief says, not everyone will do that and at the same time, not everyone is not like these scammers who only put a bad spotlight on the majority of the Filipino people."

"Good job, Sir Dwayne. Sana matuto na yung scammer. Kahit na ikaw yung na perwisyo ikaw pa rin nagpatawad. Salute kuya."

"I salute you for what have you done,dwaine there's no harm in forgiveness ❤."

"Hindi lahat ng mga Pilipino ay scammers. Pasensya ka na. Sana hindi ka madala rito sa Pinas."

"You shouldn't have to. He deserves it. It is a shame as a Filipino and as a stroke survivor trying to make an honest living. I lost the fine movements of my hand which I use to earn a living (I'm an illustrator). But the challenges and struggles to keep me going doesn't stop me from earning an honest living."

"The reason ng scammer, lumang tugtugin, regardless kung totoo o hindi... hindi tama ang ginagawa na manloko."

"I don’t blame you Dwaine for your decision also I’m very sorry that this happened to you in the Philippines, hope it don’t happen again."

"Yes! That's right brother! They must face their consequences... kasi kapag hindi yan ginawa mas marami pa silang mabibiktima at para di na rin sila tularan ng iba pang magtatangka na manloko ng kapwa! Justice must serve! Oo andun na yung patatawarin sila pero, they must face the consequences of what they have done and make them realize their wrong doings! Huwag pakawalan yan brother! God bless you and your family always!🙏🙏🙏"

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang updates ang vlogger kung ano na ang nangyari sa kaso ng tricycle driver.