
(Armed Forces of the Philippines/FB)
AFP chief, binisita mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal
Binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. ang tropa ng pamahalaan na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Linggo.
Layunin ng pagbisita ni Brawner sa mga sundalo na ipaabot ang pagpapahalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagbabantay ng mga ito sa Ayungin Shoal.
Si Brawner ang unang chief of staff ng AFP na bumisita sa mga sundalong matagal nang nakapuwesto sa lugar.
“We value your service and sacrifice which demonstrates the Filipino’s indomitable spirit in asserting our rights and performing our obligations under international law. Your President is with you, I am with you, the whole Filipino nation is with you," ani Brawner.
Sa Facebook post ng AFP, nakarating sa BRP Sierra Madre ang grupo ni Brawner matapos ang lumayag, sakay ng Unaizah Mae 1 (UM1) na kabilang sa rotation and resupply (RoRe) mission ng pamahalaan.
Naiulat nitong Linggo na hinarang at sinalpok ng China Coast Guard ang UM1 habang patungong BRP Sierra Madre para sa naturang RoRe mission.