Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • May 12, 2025

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG

    PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG

    By
    Rommel Tabbad
    December 10, 2023
    In
    BALITA National
    PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG
    (PCG/FB)

    PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG

    By Rommel Tabbad
    December 10, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi


    Nabalot na naman ang tensyon ang rotation and resupply (RoRe) mission ng gobyerno sa BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Sierra Madre sa Ayungin Shoal matapos bombahin ng tubig at salpukin ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas nitong Linggo.

    Sa pahayag ng National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) nitong Disyembre 10, binomba ng tubig, hinarangan at nagsagawa ng mapanganib na pagmaniobra ang barko ng CCG, kasama ang Chinese Maritime Militia vessel laban sa BRP Cabra, M/L Kalayaan at Unaizah Mae 1 (UM1) chartered supply vessels.

    Paliwanag ng Task Force, sinalpok din ng CCG 21556 ang UM1. Gayunman, nakarating pa rin ito sa BRP Sierra Madre kung saan isinagawa ang RoRe mission.

    Nasira naman ang makina ng M/L Kalayaan resupply boat matapos bombahin ng tubig ng isa pang barko ng CCG kaya't hinatak na lamang ito ng BRP Sindangan pabalik sa Ulugan Bay, Palawan.

    Bukod dito, nasira rin ang mast ng BRP Cabra o posteng nakatayo sa gitna ng barko matapos bugahan ng water cannon ng CCG.

    "We condemn, once again, China's latest unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers against a legitimate and routine Philippine rotation and resupply mission to Avungin Shoal that has put the lives of our people at risk. The systematic and consistent manner in which the People's Republic of China carries out these illegal and irresponsible actions puts into question and significant doubt the sincerity of its calls for peaceful dialogue. Peace and stability cannot be achieved without due regard for the legitimate, well-established, and legally settled rights of others. We demand that China demonstrate that it is a responsible and trustworthy member of the international community," pagdidiin pa ng NTF-WPS.

    Iginiit din ng NTF-WPS na saklaw pa rin ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal alinsunod na rin sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) at pinagtibay ng Arbitral Award noong 2016.

    Inirerekomendang balita

    Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

    Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

    Umalma ang Commission on Elections (Comelec) sa paratang ni Atty. Harold Respicio kaugnay sa automated counting machine (ACM).Sa isang video statement kasi ni Respicio noong Sabado, Mayo 10, sinabi niyang hindi umano audited ang source code na nasa ACM dahil hindi ito tugma sa hash code na nasa audit report na nakapost sa Comelec website.Ngunit sa latest Facebook post ng Comelec nitong Linggo,...

    VP Sara, nakiisa para ipagdiwang katatagan ng mga ina

    VP Sara, nakiisa para ipagdiwang katatagan ng mga ina

    Nagbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s day.Sa video statement ni Duterte nitong Linggo, Mayo 11, binati niya hindi lang ang mga ina kundi maging ang iba pang tumatayong ina.“Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ina, mga nanay, mama, mommy, lola, at sa lahat ng tumatayong ilaw ng tahanan para sa kanilang pamilya. Ipinagdiriwang natin ang...

    NHCP, pinuna ang isang anunsiyo tungkol sa halalan

    NHCP, pinuna ang isang anunsiyo tungkol sa halalan

    Sinita ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang isang pubmat na nag-aanunsiyo ng ilang detalye tungkol sa darating na eleksyon sa Lunes, Mayo 12.Sa latest post ng NHCP nitong Linggo, Mayo 11, sinabi nilang labag umano sa batas ang paglalapat ng watawat ng Pilipinas sa background ng nasabing pubmat.“Ang larawan na ito ay lumalabag sa Batas Republika Blg. 8491 o ang...

    Features

    FEATURES

    1

    Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

    May 11, 2025

    FEATURES

    2

    KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

    May 09, 2025

    FEATURES

    3

    BALITAnaw: Gaano katagal ang naging Papal Conclave sa mga nakaraang taon?

    May 08, 2025

    FEATURES

    4

    ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

    May 07, 2025

    FEATURES

    5

    Reklamo ng isang ina sa guro: tinali na, tinapalan pa ng tape bibig ng anak niya?

    May 07, 2025

    FEATURES

    6

    Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

    May 06, 2025

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang suporta ng INC tuwing eleksyon?

    May 06, 2025

    FEATURES

    8

    Unang eroplano lumapag sa bagong gawang paliparan ng Camotes

    May 06, 2025

    Opinyon

    Anna Mae Lamentillo Kailangan mong bumoto Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Ang mga tagamasid ng halalan ang nagliligtas sa demokrasya—bakit kailangan pa natin ng mas marami sa kanila Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto Anna Mae Lamentillo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita