Patay na nang matagpuan ang nag-iisang pasahero ng bumagsak na Piper plane sa San Mariano, Isabela.

Paliwanag ni Incident Management Team (IMT) spokesperson Joshua Hapinat, natagpuan ng K9 tracker ang bangkay ni Erma Escalante 200 metro ang layo mula sa pinagbagsakan ng eroplano dakong 9:15 ng umaga ng Disyembre 10.

Nitong Huwebes, Disyembre 7, natagpuan ng search and rescue team ng pamahalaan ang bangkay ng piloto na si Capt. Levy Abul II makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Barangay Casala, San Mariano, Isabela nitong Nobyembre 30 ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dinala muna ang bangkay ni Escalante sa Tactical Operations Group 2 sa Cauayan City nitong Linggo ng hapon, lulan ng Sokol helicopter ng Philippine Air Force.

Hinihintay na lamang ang susundo sa bangkay ni Escalante upang iuwi sa Palanan.

Matatandaang nag-takeoff sa Cauayan City Airport ang sinasakyan nilang eroplanong may registry No. RP C1234 dakong 9:39 ng umaga ng Nobyembre 30 at darating sana sa Palanan Airport dakong 10:23 ng umaga. Gayunman, hindi na nakarating sa destinasyon nito.