Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

(Manila Bulletin File Photo)
Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit
Pinag-iingat ng Quezon City government ang mga residente nito dahil sa pagtaas na naman ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lungsod.
Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU), nasa 27 kaso ng sakit ang naitatala sa lungsod kada araw, mas mataas ng 57.9 porsyento kumpara nitong nakaraang linggo.
Nasa 14.55 porsyento ang average positivity rate ng Covid-19 case sa lungsod.
Dahil dito, nanawagan ang pamahalaang lungsod sa mga residente na magsuot pa rin ng face mask, lalo na sa matatanda at mga bata, upang hindi na lumaganap pa ng sakit.
"Maaaring magtungo sa ating barangay health centers o makipag-ugnayan sa QCESU kung nakakaranas ng anumang sintomas ng Covid-19," dagdag pa ng city government.
Halos 190 ang aktibong kaso ng sakit sa lungsod hanggang nitong Disyembre 7, ayon pa sa QCESU.