Umaasa ang Bureau of Customs (BOC) na maaabot nito ang puntiryang koleksyon sa buwis sa susunod na taon.
Sa ilalim ng mungkahing Budget of Expenditures and Sources of Financing (BESF) para sa 2024, inoobliga ang BOC na mangolekta ng mahigit sa ₱1 trilyon.
Pagdidiin naman ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, patuloy pa rin silang gumagawa ng paraan upang makatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
"I'm confident [the] government is doing its job and [in] some of the economic meetings na in-attendan ko, very optimistic naman ang ating secretaries na kumbaga, bababa 'yung mga interest rate. Maganda ang magiging projections for next year," anang opisyal.
"So hopeful ako na with that, the economy gets better, 'yung trade will also get better," pagbibigay-diin pa ng opisyal.
Nasa₱813.65 bilyon na ang nakolektang buwis ng ahensya, mas mataas sa ₱ 795.66 bilyong collection target nito ngayong taon, ayon pa sa BOC.